Normal lang sa araw-araw para sa mga estudyante ang pumasok ng maaga at nang hindi mahuli sa klase, ngunit nang magising ako ay para bang gabi pa rin dahil sa dilim ng langit na parang ipingdadamot sa mga tao ang araw. Tinatamad pa ako pumasok nun kasi nagpuyat ako kagabi dahil sa mga assignments na pinagawa sa amin. Pinilit ko na lang bumangon para makapaghanda ako ng aking almusal at maghanda ng aking ipanliligo. Pagkatapos kong magbihis ay umalis na ako papunta sa BSU. Pagpasok ko sa aming silid ay napansin kong nandun na din ang aming guro. Malapit na palang magsimula ang klase.
Nang magsimula na siyang magslita tungkol sa topik naming ay sinulat ko ang mga importanteng mga bagay. Natural lamang na habang nagkaklase ay sadyang mga salik na nakakaimpluwensya sa pakikinig, pero hindi ko na lang pinansin ang mga iyon at pinagpatuloy ko ang aking pagsulat.Habang nagsusulat ako ay aksidenteng napatid ng kaklase ko ang aking kwaderno. Pagkapulot ko nito ay may napansin akong nakasulat sa armchair na aking inuupuan. Ito ay isang tala sa upuan na kumuha sa aking atensyon. Hindi ko alam kung sadyang nagkataon lamang, ngunit parang may nagsasabi sa akin na basahin ko iyon. Sa unang pagkakabasa ko nito ay tila ba’y nabaduyan ako, subalit nang basahin kong muli at lubos na unawain ang bawat salitang nakasulat ay tila bang ako mismo ang gumawa nito. Sa bawat salitang kanyang pinahayag ay nagpapahiwatig ng kanyang pagkalumbay at pag-iisa sa buhay na sya ring nararamdaman ko ngayon. Napahinto ako sa pagsulat marahil naramdaman ko ang kanyang nararamdaman. Sadyang napakahirap sa isang tulad ko na tumira sa lugar na malayo sa kanyang kinagisnang buhay. Hindi agad ako nakihalubilo sa paligid ko marahil hindi pa ako komportable sa kinatatayuan ko. Dahil sa ganitong sitwasyon ay nakaramdam ako nang kaunting pagkatampo sa aking mga magulang. Sa una’y hindi ko maintindihan sa kanilang desisyon na dito ako sa Bulacan mag-aral, ngunit di naglao’y hinayaan ko lang na ituloy ang kanilang desisyon, para din naman ito sa aking kinabukasan.
Pagkatapos ng klase namin ay dumeretso na ako ng pag-uwi sa kadahilanan na marami pa akong kailangang tapusin na mga bagay-bagay. Nang makabalik ako muli sa aking munting tirahan, maliit lamang ito’t walang kabuhay-buhay. Nang buksan ko ang pinto nito, napansin ko na tahimik at walang kakulay-kulay. Habang inaayos ko ang aking mga gamit, naaalala ko ang mga masasayang araw noong nasa probinsya pa ako. Ang mga halakhak ng aking dalawang nakababatang kapatid habang silay naghahabulan sa labas ng aming bahay ay tila bang mga tinig ng mga ibon na nanggigising tuwing umaga. Nang maghanda ako ng aking hapunan, isang plato lamang ang aking inilagay sa mesa. Habang kumakain ako, nanonod ako ng isang palabas para libangin ang sarili ko. Ngayon ko lang naunawaan kung bakit importante ang kumain na kasama ang pamilya, dahil sa panahon ngayon iyon lang ang panahon na pwede kayong magkasama ng inyong pamilya,iyon din lang ang panahon na pwede kayong magkwentuhan ng inyong mga kapatid, ganon din sa mga magulang. Pagkatapos kong gawin ang aking mga assignments ay naghanda na ako para matulog na ako.
Nang sumapit ang alas-dose ng gabi, bigla na lang akong nagising, ngunit ang aking diwa’y tulog pa rin. Nasabi ko ito sa kadahilanan na, inakala ko na natulog ako katabi ang dalawa kong mga kapatid, at sa mga oras na iyon ay wala sila sa tabi ko. Kaya nang naisip ko ay sa itaas sila natutulog, nakatulog na ulit ako ng mahimbing. Tinanghali na ako ng gising sa kadahilanan na nagising ako ng hatinggabi. Habang nagbabasa ako ng isang libro at nagkakape ay biglang pumasok sa isip ko ang mga pangyayari kagabi. Alam ko naman na wala sila dito kaya bakit bigla na lang ako nagkaganon. Kung iisipin ng iba ay parang nababaliw na ako, kaya hinayaan ko na lang na mawala iyon sa isip ko at naghanda na lang ako ng aking panligo at nang pumasok ako sa aking klase na mauunahan ko ang aming guro. Pagdating ko dun ay nakita kong muli ang armchair na ginamit ko kahapon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento